Hindi ako ang tipong dapat niloloko. Kung iniisip mong ikaw ang panalo, mag-isip ka ng panibago. Dahil ang puso ko parang sibuyas, ikaw ang humiwa, sisiguraduhin ko din na ikaw ang luluha.
Kung broken hearted ka, ano ang masakit? PUSO? Mali, ang sagot KATOTOHANAN. Masakit kasi tanggapin ang katotohanan na hanggang doon nalang ang nabuo niyong relasyon at kailangan nang wakasan.
Sa pag-ibig maraming kontra, barkada, karibal, ex ko, ex niya, pag-aaral, pati pamilya. Eh ano bang problema nila? iibig lang naman ko, di pa naman mag-aasawa.